PDA

View Full Version : Marami Din Sa Amin Nyan Hehehe



Jeff
07-27-2007, 05:08 PM
Sa isang luxury liner nag-inuman sa sun deck ang tatlong turista. Isang Russian, isang French at isang Pilipino. Sa kalagitnaan ng kasiyahan ng kanilang inuman, nagpasikatan itong tatlo. Binuksan ng French ang isang litrong champagne at tinagayan ang dalawang kasama. Kalahati pa ang laman ng bote, itinapon na ito ng French. Nabigla ang dalawa niyang kasama. Tinanong ng Pinoy kung bakit niya tinapon ang bote samantalang kalahati pa ang laman nito. Mayabang na sumagot itong French. Marami sa amin yan. Sumunod naman ang Russian. Binuksan ang isang latang caviar at inilagay ang kalahating laman nito sa isang plato sabay tapon sa natira. Nagulat naman ngayon ang Pinoy at ang French. Bakit mo naman tinapon yon, ang mahal pa naman noon. Marami sa amin yan, sagot ng Russian. Tinawag ng Pinoy ang waiter, sabay buhat naman nito at itinapon sa dagat. Nabigla ang dalawang kasama. Bakit mo tinapon sa dagat ang waiter? Wala yon, sagot ng Pinoy na turista. Marami sa amin nun! :eek: :D

Europa
07-27-2007, 06:18 PM
Waaaa Hahaha Kawawa Naman Ang Waiter

Jr.
07-27-2007, 10:52 PM
heheheheh.kasi ang waiter Russian half French dili masabtan ni pilipino mao iyang itinapon hehheheheh.nice one poor waiter