chowking, your friend told the truth, the whole truth and nothing but the truth....with one exception....whose who are lucky enough to marry well off husbands.....
![]()
|
|
HAY BUHAY AMERICA TALAGAA friend named "Maeng Ni" posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America ..
Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses at mga guro, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.
chowking, your friend told the truth, the whole truth and nothing but the truth....with one exception....whose who are lucky enough to marry well off husbands.....
![]()
There are those who are lucky enough to marry a wealthy husband, but the problem is, it will be very difficult to live with someone whom you don't love or no feelings at all. You will experience culture shock, "kakaiba at maninibago" joining the circle of your partner's friends, relatives and family. You will feel you are left alone, if they smile you too should smile, if they laugh for a minor joke, you may as well laugh loud because of "pakikisama at pakikibagay" if they say "do you like the food?" although it's not tasty, you will happily reply oh yes it taste good...hehehe kahit nasusuka kana. Living away is crucifying and happiness is not real, exception is if you love so dearly your foreign partner and you can easily get along with the circle.
AMEN to that, jeff!!!![]()
pakikisama is just common even if your partner is a filipino...to maintain good harmony in the family circle...
yes, it is a luck to marry wealthy husband but the question is....generous ba sila in terms of supporting the family of the wife...whereas ang ibang wife, allowance lang ang ibinibigay sa kanila kasi bihira lang na ang babae ang magmanage ng financial aspects..iba't ibang strategy ang ginagawa ng mga wife para lang maka ipon ng pera maipadala sa pamilya...they overpriced the grocery...they keep all the single centavo kickbacks...what else????
Yup, there are cases it's not rare but rampant. Foreigners thinking is not the same with us, they even don't ask their wife to join them for dinner, lunch or breakfast, if the wife is hungry she will prepare for her own seldom you can hear a foreigner na lalaki magyaya kumain, sa atin hindi lahat niyaya kahit katulong. Particular to salary, foreigner di nila ugali magbigay ng sweldo sa asawa, pang grocery lang, sa atin aba intrigo lahat si lalaki sa asawa may reklamo pa hehehe. The pain, homesick, loneliness is so terrible hard to bare for a wife marrying a foreigner hindi biro. Financially stable ka nga pero hindi naman ikaw may hawak o may dicision kung paano i-control. But there are also foreigner which are same to us when it comes to family aspect.
CHOWKING THIS IS THE REAL THING, NOT ONLY IN AMERIKA ISAMA MO NA ANG EUROPA, AT IBANG BANSA PA.. PLUS BAWAS NA ANG DARATING MONG SWELDO DAHIL SA TAX, HALIMBAWA SWELDO MO 7 LIBONG EURO BAWASAN NG 38 PORSIENTONG TAX. ANG NATIRA BAYAD SA GASOLINA NG SASAKYAN, BAYAD SA BAGONG BAHAY NA BINILI MO NG UTANG, BAYAD SA KOTSE NA UTANG, PANG GROCERY. SWERTE NA LANG KONG DALAWA KAYONG MAG ASAWA NA NAG SISIKAP PARA SA BUHAY NYO..SANA MAINTINDIHAN NG IBANG PILIPINA (SINASABI KONG IBA ) DAHIL HINDI LAHAT NA NAG ASAWA NG PUTI AY KATULAD NG SINASABI NI MYBABES (HELLO MYBABES I LOVE YOU DEAR) TOTOO YAN MARAMI DYAN INSTEAD NA MAG SIKAP DIN AT TULUNGAN ANG ASAWA MA PILIPINO MAN OR MAPUTI AYAN BUSY SA IBANG BAGAY WHAT A CHEAP THING NAMAN HASTA SA ILANG PANG GROCERY KUPITON PA, PARA IPADALA SA PAMILYA. NGANO KAHA NO? MAAYO PA MAG SIKAP KA NA LANG MAKATRABAHO KAY YOU GAIN RESPECT PA SA IMONG ASAWA UG LIMPYO IMONG DUGHAN NGA ANG GIPADALA NGA KWARTA SA PAMILYA PINAGPAWISAN MO..MY PIECE OF CAKE
SANA MAINTINDIHAN NG IBANG PILIPINA (SINASABI KONG IBA ) DAHIL HINDI LAHAT NA NAG ASAWA NG PUTI AY KATULAD NG SINASABI NI MYBABES (HELLO MYBABES I LOVE YOU DEAR) TOTOO YAN MARAMI DYAN INSTEAD NA MAG SIKAP DIN AT TULUNGAN ANG ASAWA MA PILIPINO MAN OR MAPUTI AYAN BUSY SA IBANG BAGAY WHAT A CHEAP THING NAMAN HASTA SA ILANG PANG GROCERY KUPITON PA, PARA IPADALA SA PAMILYA. NGANO KAHA NO? MAAYO PA MAG SIKAP KA NA LANG MAKATRABAHO KAY YOU GAIN RESPECT PA SA IMONG ASAWA UG LIMPYO IMONG DUGHAN NGA ANG GIPADALA NGA KWARTA SA PAMILYA PINAGPAWISAN MO..MY PIECE OF CAKE[/QUOTE]
excuse me pala...na generalize ko yata...this is just base sa kwento sa akin ng isng friend...swerte talaga kung pareho may trabaho and understanding ang hubby...wala talagang problema....
excuse me pala...na generalize ko yata...this is just base sa kwento sa akin ng isng friend...swerte talaga kung pareho may trabaho and understanding ang hubby...wala talagang problema....[/QUOTE]
Mybabes tinood na oi, dili ka nag generalize daghan na kaayo diri..sabagay sab lain lain man god kapalaran sa tawo.....hay buhay
| « Previous Thread | Next Thread » |
| Thread Information |
Users Browsing this ThreadThere are currently 1 users browsing this thread. (0 members and 1 guests) |