Posibleng oil spill sa sumadsad sa barko sa Biliran, pinangangambahan –
09-11-2011
TACLOBAN CITY - Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa posibleng oil spill sa sumadsad na MV Doņa Rita sa probinsya ng Biliran.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tacloban kay Coast Guard Tacloban Station Commander Melchor Rebadilla, kinumpirma nitong nasa mabuti na ang kalagayan ng lahat ng 16 na crew ng nasabing cargo vessel na galing sa Mindoro papuntang Tacloban.
Nakatakda sanang magdiskarga ng 14,000 sako ng asin sa Tacloban ngunit sa kasamaang palad ay bigla na lang itong sumadsad sa mababaw na bahagi malapit sa Tumata Island.
Miscalculation ng kapitan ang nakikitang dahilan kaya sumadsad ang naturang sasakyang pandagat na nagresulta sa pagtagilid nito ng halos 20 degrees sa lugar na pinagsadsaran.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente.
- bombo radyo philippines
"the heart has its reasons which reasons cannot understand"....