BiliranIsland.com Staff
BiliranIsland.com
First Posted 06:42 PM 01/15/2020

Naval, Biliran – Umalma ang mga commuters sa rehiyon ng Eastern Visayas sa biglaang pagtaas ng pamasahe sa van.

Kung sa ang dating pamasahe sa van mula sa lungsod ng Naval papuntang lungsod ng Tacloban ay P130.00 at ngayon ay sinisingil na sila ng sa P250.00 pesos.

“Dapat na ipakita at ipaskel ng mga operator ang ‘fare matrix’ nang sa gayon ay hindi na umabot sa pagtatalo ang mga pasahero, konduktor at drayber”, ayon sa isang commuter.

Ngunit depensa naman ng mga local van operators, ipinapatupad lamang nila ang dating taripa na inaprubahan ng LTFRB noong pang 2007. – BiliranIsland.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here