ABS-CBN News
Posted at Aug 20 2021 12:03 AM | Updated as of Aug 20 2021 12:42 AM

Isinailalim ang Biliran sa modified general community quarantine (MGCQ) with heightened restrictions matapos makumpirma na nakapasok na sa lalawigan ang COVID-19 Delta variant.

Magsisimula sa Agosto 20 ang pagpapatupad ng MGCQ sa Biliran.

Sa ilalim ng bagong executive order ni Biliran Gov. Rogelio Espina, hindi na papayagan ang home quarantine para sa mga returning overseas Filipinos (ROFs) at returning residents (RRs), maliban na lang kung makita ng municipal health office na makakasama ito para sa kanila, lalo na kung sila ay senior citizen, bata, may malubhang sakit, buntis o nagpapasuso.

Lahat din ng ROFs at RRs ay kailangang dumaan sa maximum na 18 araw na quarantine mula sa kanilang pagdating sa bayan na kanilang pupuntahan sa Biliran, kahit pa kumpleto sila sa COVID vaccines at nag-negatibo ito sa swab test.

Ipapatupad na rin ang mandatory RT-PCR test para sa lahat ng ROFs at RRs limang araw mula sa pagsisimula ng kanilang quarantine.

Hindi na muna papayagang makapasok sa Biliran ang mga returning residents mula sa mga lugar na may ECQ o MECQ qualifications.

Inatasan na din ang lahat ng mga LGU sa lalawigan na sunduin sa airport o kahit saang point of entry sa rehiyon ang lahat ng ROFs at RRs na papunta sa kanilang bayan.

Nilinaw din ng Biliran Provincial IATF na ang mga Biliranon na nakatira na sa labas ng lalawigan ay ituturing na RRs.

Comments

Previous articlePower blackout hits multiple parts of Visayas
Next articleDuha ka motor nag sungag, 3 angol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here