OBRA MUSIKA SA NAVAL: Concert for a Cause, Yayanigin ang Biliran sa September 27

NAVAL, BILIRAN — Pitong tulog na lamang at magbabalik ang isa sa pinaka-inaabangang gabi ng musika at saya sa bayan ng Naval! Gaganapin ngayong darating na Setyembre 27 (Linggo) ang “Obra Musika sa Naval” bilang bahagi ng opisyal na pagdiriwang ng Naval’s Pueblo Day.

Magsisimula ang concert ganap na 7:00 PM sa BiPSU Oval, kung saan inaasahang dadasa ang libo-libong Biliranon para makiisa sa gabi ng selebrasyon.

Mga Tampok na Bisita

Maghahatid ng world-class entertainment ang ilang sikat na performers at personalidad, kabilang sina:

  • Elias w/ JTV Band
  • Jay Heart
  • Ms. Karla Henry (Miss Earth 2008)
  • …at marami pang surpresang performers!

Libreng Entrance kapalit ng Plastic Waste

Walang babayarang anumang admission fee ang mga manonood, ngunit hinihikayat ng pamahalaang lokal ang lahat na suportahan ang adbokasiyang pangkakalikasan ng DASIG NAVAL LGU.

Sa ilalim ng campaign na “Makibaka Para sa Kalikasan,” magsilbing “ticket” o suporta ng bawat pumasok ang pagdadala ng kanilang mga soft plastic waste materials, na kukunin ng mga kinauukulan sa mga gate entrance ng BiPSU Oval bago pumasok.

Detatye ng Kaganapan:

  • Ano: Obra Musika sa Naval (Pueblo Day Celebration)
  • Kailan: September 27 (Linggo) | 7:00 PM
  • Saan: BiPSU Oval, Naval, Biliran
  • Bayad: Libre (Magdala lamang ng soft plastic waste)
Previous articleDPWH-BILIRAN CONSTRUCTS P24.47-M FOOD PROCESSING FACILITY IN NAVAL
Next articleUPLIFT eases burden of Biliran families’ food, transportation, livelihood needs

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here