Notices
 

Thread: By "I LOVE MY NATIVE LAND" …a blogger

Results 1 to 2 of 2
  1. Default By "I LOVE MY NATIVE LAND" …a blogger 
    #1
    Join Date
    May 2007
    Posts
    140
    Rep Power
    15
    By "I LOVE MY NATIVE LAND" …a blogger from the guest book forum

    Ako lang ning i-post sa Community forum kay lami hinuktukan.
    I hope the writer does not mind me doing this.
    Whoever you are, certainly you deserve to be credited.
    Maraming salamat po sa iniisip mo para sa pinoy at pinay nasa malayo.
    Alam ko mas mahirap ang trabaho sa malayo at sana yung pinadala nyong pera sa ato, ginagamit sa wastong para-an.
    Daghang salamat.


    "TAWID DAGAT-OFW"


    Tawagin ninyo kaming mga "tawid-dagat"
    Mga "tawid-gutom", mga " tawid hirap."
    Kahit na ano man ang inyong ibansag,
    Ang hangarin namin ay kaunting pag-unlad.

    May luha ang mata ng aming lisanin
    Ang aming pamilyang naiwang luhaan din.
    Masakit sa loob at mga damdamin
    Ang aming pasiyang di dapat na gawin.

    Nilisan ang Bayan at naging dayuhan
    At sa ibang bansa'y inapuhap naman
    Ang kaunting pag-unlad nitong kabuhayan
    Sa bayan kong mahal 'di ko matagpuan.

    Ang tanging lunggati ay kumita lamang
    Ng pang-agdong-buhay sa mga iniwan
    Na kung ang dolyar ay hindi daratal
    Ang mga iniwa'y gutom aabutan.

    Kami'y mga taong kung hindi lilisan
    Madilim, maunos ang kinabukasan.
    Walang kaunlarang kami'y natatanaw
    Na sa aming Bayan ay maaasahan.

    Sino nga ba kaming mga "tawid-dagat"?
    At "Bagong Bayani" ang aming pamagat
    Bansag ng Gobyernong kay laki ng galak
    Nagpapasok kami ng ginto at pilak.

    Bakit ba Bayani ang sa ami'y tawag?
    Ito'y alam namin at alam ng lahat
    Nakatulong kaming ang Baya'y umusad
    Pagpasok ng dolyar sa Bayay' laganap.

    Mangmang at marunong, kaming lahat iyan,
    May titulo't wala kami'y nagsilisan.
    Kung mananatili sa sariling Bayan
    Walang pag-unlad kaming maasahan.

    Saan mang sulok ng sang-sinukuban
    Sa lahat ng nasyon at banyagang lugar
    Mga "OFW" kaming binansagan
    Na nangagsi-siugit ng mahal kong Bayan.
     

  2. Default  
    #2
    Join Date
    May 2007
    Location
    Europe/ South East Asia
    Age
    90
    Posts
    430
    Rep Power
    15
    Batang Munti Pa Lang Ng Ako Ay Lumisan
    Sa Bayan Kong Sinilangan
    Nag Baka Sakali Na Sa Ibang Bansa
    Aking Matagpuan
    Ang Buhay Na Aking Pina Pangarap

    Mang At Api Apihan
    Ganyan Ako Ng Lumisan
    Maka Bagong Teknologia
    Sa Ibang Bansa, Pilit Kong
    Pinag Aralan
    Sukdulang Sa Araw Araw Ako Ay
    Nanungkulan
    At Sa Gabi Pag Aaral Naman

    Sa Diwa Ko Hirap Na Dinanas
    Di Ko Alintana
    Pasasaan Bat Pangarap
    Maabot Ko Rin Yan

    Unang Kumpanya Na Aking Pinasukan
    Kung Saan Saan Ako Tinatapon Yan
    Maski Sa Timbukto, Reklamo
    Wala Akong Karapatan
    Sige Lang Basta Ba Sigurado
    Lang Ang Dollar Ni Inang Buwan Buwan

    Ofw, Hayyy Buhay Nga Naman
    Masrap Na Mahirap
    Tiis Tiisin Lang
    Mahal Na Bayan Masilip Din
    Maski Paminsan Minsan Lang

    Missed Na Missed Ko Na Rin
    Ang Luto Ni Inang
    Pati Na Akap At
    Halik Ng Mga Kapatid
    At Kamag Anakan

    Ngunit Sa Aking Isipan
    Nakatitik Ang Ang Katanungan
    Mahal Na Bayan Ikaw Ba Ay Babalikan
    Oh Kaya Silip Silipin Na Lang?
    Ofw Nasa Iyo Ang Huling Kasagutan
     

Thread Information
Users Browsing this Thread

There are currently 1 users browsing this thread. (0 members and 1 guests)

Similar Threads

  1. Pinakamagandang "LOVE QUOTES"
    By jalmz in forum Poetry & Quotes
    Replies: 9
    Last Post: 05-13-2011, 10:38 PM
  2. Replies: 3
    Last Post: 02-19-2009, 12:25 AM
  3. True Christianity Doesn't Teach The "oneness" Of God...
    By Jeff in forum General Discussions
    Replies: 97
    Last Post: 06-10-2008, 06:28 AM
  4. "Love Story"
    By jalmz in forum Of Hearts and Spades
    Replies: 7
    Last Post: 09-14-2007, 06:54 PM
  5. "A story with Moral Lesson"
    By Jeff in forum General Discussions
    Replies: 0
    Last Post: 09-14-2007, 10:50 AM
Bookmarks
Bookmarks
Posting Permissions
  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •