Notices
 

Thread: Tsk.. Tsk.. Tsk

Results 1 to 6 of 6
  1. Post Tsk.. Tsk.. Tsk 
    #1
    Join Date
    Dec 2007
    Location
    Middle of Nowhere
    Posts
    161
    Rep Power
    13
    Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
    binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.


    Halika at makinig ka muna sa kwento ko.


    Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat,
    virgin eh! Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago?
    Masakit ala lahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro
    talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako?


    Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
    Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
    Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at
    Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa
    tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop
    niya ako at ang mga naging anak ko.


    Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, at ano ka... may
    datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit.


    Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

    Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**!


    Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong
    malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw.


    Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap
    magsimula. Masyado na kaming n asanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
    Sinikap naming lahatmagingmagandaangbuhaynamin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.


    Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.


    Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin.
    Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala.


    Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa
    Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak.


    Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.


    Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.
    Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng
    letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na
    lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder?&nb sp; Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.


    Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa
    din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang
    mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga
    luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
    namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.


    Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May
    malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat
    sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang
    dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga
    anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado
    silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni
    hindi ko na nga kilala ang sarili ko. Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggolnaman sa akin, ipaglaban naman nila ako.



    Gusto kong isigaw:
    "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"


    Salamat ha, pinakinggan mo ako.
    Ay sorry, di ko pala nasabi....


    PILIPINAS nga pala pangalan ko!









    I Give Credit to the writer... very realistic one...


     

  2. Default  
    #2
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    sa tabi-tabi lang..hehehe
    Posts
    238
    Rep Power
    13
    nice one hamadash...nanindig ang balahibo ko after ko basahin...
     

  3. Default  
    #3
    honeybabe Guest
    nice post,..hamadashhhh
     

  4. Default  
    #4
    Join Date
    Jun 2008
    Location
    manila,philippines
    Posts
    2
    Rep Power
    0
    Quote Originally Posted by honeybabe View Post
    nice post,..hamadashhhh
    hamadash, nice story sana ipadala mo sa maalaalala mo kaya,,best actres hamadash
     

  5. Default Nice 
    #5
    Join Date
    Jun 2008
    Location
    manila,philippines
    Posts
    2
    Rep Power
    0
    Hamadash nice story,:d
     

  6. Default  
    #6
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    austria
    Posts
    24
    Rep Power
    0
    huh! this is the best..tnx
    I would prefer as friend a good man ignorant than one more clever who is eel too
     

Thread Information
Users Browsing this Thread

There are currently 1 users browsing this thread. (0 members and 1 guests)

Tags for this Thread

View Tag Cloud

Bookmarks
Bookmarks
Posting Permissions
  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •