NUONG unang panahon, walang mga bundok, pantay at patag ang daigdig. Si Lumawig, ang dakilang diwata, ay may 2 anak na lalaki na mahilig mangahoy (cazar, hunt). Ang hirap lamang, walang bundok kaya walang mainam na puok manghuli ng hayop kaya minungkahi ng mas matandang kapatid, “Patagasin natin ang tubig hanggang matakpan ang buong daigdig, nang tumaas ang lupa at magkaruon ng mga bundok!”

Pina-agos nga nila ang tubig at nang lunod na ang buong daigdig, kinuha nila ang buslo ng ulo (cesta de cabeza, head-basket) ng kabayanan ( pueblo, town) at ginamit nilang bitag (trampa, snare) parang panghuli ng isda. Tuwang-tuwa ang magkapatid nang nakita ang nahuli nila sa bitag, maraming usa (ciervos, deer) at baboy damo (verracos, wild boars). At maraming tao na nalunod din sa bahâ.

[ Ang buslo ng ulo ay gamit na tangi sa mga pugot-ulo (cazadores de cabeza, headhunters). Karaniwang gawa sa kawayan, duon iniimbak ang ulo ng tao habang inihahanda ng buong kabayanan ang pagdiriwang ( fiesta, celebration) ng matagumpay na pagpugot sa ulo ng isang kalaban. -- Mabel Cook Cole ]

Mula sa kanyang luklukan (trono, throne) sa langit (cielo, heaven), napansin ni Lumawig ang pagbahâ sa daigdig na ginawa ng kanyang mga anak. Nakita niyang nalunod lahat ng tao maliban sa isang lalaki at isang babaing magkapatid sa Pokis. Pinasiya ni Lumawig na bumaba sa lupa at sagipin ang magkapatid