BREAKING NEWS: 1 dead and 1 critical in Agpangi involving motorcycle and Honda Civic.

By Betchai Julian
Abante.com.ph

Dalawa katao ang nasawi ng sumalpok sa kotse ng isang parish priest ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Naval, Biliran, Eastern Visayas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Noel Garcia at Jenna Sabocohan, kapwa residente ng Brgy. Agpangi, Biliran.

2 dead in Agpangi Accident
2 dead in Agpangi Accident
Sa ulat ng Naval Police, magkaangkas sa isang motorsiklo ang mga biktimang nasawi sa highway ng brgy. Agpangi bandang alas-7:15 ng gabi nang magtuluy-tuloy itong sumalpok sa kasalubong nitong pulang Honda Civic na may plakang KDS-196 na minamaneho naman ni Father Edward Veloso, ang parish priest sa isang simbahan sa bayan ng Agpangi.

Nagtamo ng matinding bali sa buto sa katawan at bagok sa ulo ang mga biktima dahilan para mamatay.

Nagsasagawa pa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol sa pangyayari habang si Fr. Veloso ay iniimbestigahan. – Abante Online

Previous article2 killed as motorcycle collides with car driven by priest in Biliran
Next articleMotorcycle collision injures three in Lo-ok, Almeria

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here